Nagulantang ang buong mundo sa pagkatalo ng pound-for pound king Manny Pacquiao pagkatapos makasagupa ang boksingerong Amerikano na si Timothy Bradley Jr.
Maraming tao ang nanood sa laban na ito sa iba't ibang parte ng mundo at umaasa sa pagkapanalo ni Pacquiao. Pagkatapos ng huling round, nanalo si Bradley via split decision. Marami ang gustong mapaimbestigahan ang laban na ito kahit malabo nang mabawi ng pambansang kamao ang title belt. Higit na marami ang naniniwala na nanalo pa rin si Pacquiao.
Hindi karapat-dapat na mapunta ang title belt kay Bradley dahil hindi patas ang pagbibigay ng puntos ng mga hurado sa laban na ito. Kaya lamang ibibigay ang isang rematch ay dahil hindi na maisasauli talaga ang title belt kay Pacquiao.
Ganunpaman, kahit talo si Pacquiao, panalo pa rin siya sa puso ng mga Pilipino.
haha npili pa ung kay rafales kaw na mganda ang gawa
TumugonBurahinnice work .. rafales .. convincing ung message. .
TumugonBurahin