Lunes, Hulyo 16, 2012

MALAS NA KARANASAN SA ARAW NG KAARAWAN ni Robelyn Hilado

          Maraming selebrasyon ang dumating sa aking buhay. Subalit isa sa mga ito ang hidi ko makakalimutan. Ang aking kaarawan noong Abril 01, 2012, maglalabing limang taon.
          Masayang-masaya ako ng araw na iyon. Ipinaghanda ako ng aking mga magulang ng pansit at sopas. Isa pa sa ikinasaya ko ay ang pagdating ng aking mga kaklase sa aming tahanan. May usapan kaming magswimming. Noong una ay ayaw akong payagan ng aking ina na sumama sapagkat natatakot na baka malunod ako. Bandang tanghali, dumating si papa at salamat naman at pinayagan akong sumama sa aking mga kaibigan.
          Kumain muna kami bago umalis. Mag-aala-una na ng umalis kami sa bahay. Pumunta kami sa Metrogate sapagkat doon namin gustong lumangoy, doon sa may club house. Subalit pagpunta namin doon ay maraming tao ang nagdarasal. Di ko naalalang mahal na araw nga pala. Dahil sa nahiya kami, umalis kami at pumunta ng Regency upang doon ituloy ang aming balak, subalit ganoon din.
          Naisipan na lamang namin na tumuloy sa Biga sapagkat inisip naming sayang lang ang pamasahe namin. Pumunta na lang kami sa isang kaklase namin. May mga resort doon kaya lang din naman namin kaya ang presyo. Nagyaya ang isa naming kaklase na doon na lang sa ilog.
          Sa bandang huli ay sa ilog na lang kami lumangoy. Bumababa kami sa ilog. Pagdaing namin, nanginginig ang buo kong katawan. Dalawa kaming ayaw maligo sapagkat di kami marunong lumangoy. Subalit sa bandang huli ay kaming dalawa pa rin ang unang naligo sa ilog. Dahil sa pagmamadali, hindi namin akalain na lagpas tao ang tubig kaya ng lumubog kami ay pareho kaming nalunod. Ilang minuto bago kami sinagip. Matapos ang pangyayaring iyon, di na ako pumunta ng tubig.
          Dahil sa nangyari, nagkasunud-sunod na ang malas ko sa maghapon. Nasira ang tsinelas ko, at halos wala ng magamit pauwi.
          Napagalitan pa ako dahil madilim na akong nakauwi sa bahay sapagkat nangako akong hindi gagabihin.
          Ganoon pa man ang nangyari, naging  masaya naman ako sa piling ng aking mga kaklase.  

2 komento:

  1. nice .. tittle palang . . maganda na ,,eventhough malas ung experience .. magka rhyme pa ung tittle .. :)

    TumugonBurahin
  2. ang malas nga tlga . ng b-day ni robelyn .. mahal na araw nga naman kce .. sa ilog tuloy nauwi swimming niu ..

    TumugonBurahin