Lunes, Hulyo 16, 2012

SA PUNONG KAWAYAN ni Joanne Marie Laudato

Dito mismo sa kawayanang ito. 
     Marami akong karanasan sa punong kawayan. Marahil ito na ang hindi ko makakalimutan. Noong nasa kinder pa lang ako, meron ng punong kawayan sa likod ng bahay namin. Ang bahay namin noon ay kubo lamang kaya mapatanghali man at tag-init ay napakalamig at presko sa lugar na kintatayuan ng bahay namin. 
     Noon ay nagkakatakutan pa kaming magkakapatid kapag lumalabas ng gabi. Lalo na akong natatakot kapag nagkuwento na yung lola ko tungkol sa kawayan namin. Ang sabi ng lola ko ay maraming kababalaghan ang nangyari sa puno ng kawayan na iyon. 
     Noong grade 3 ay nagkaroon ako ng mga klase na mahilig mambully. Isa na ako doon sa mga binubuli nila. Noon ay lagi akong nasasaktan kapag hindi ko sinusunod ang ipinag-uutos nila. Nakakaranas ako ng kurot, sabunot at sampal sa tuwing hindi ko sila sinusunod. Sa sobrang galit ko noon at grabe na akong nasasaktan ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makaganti.
     Habang natutulog siya pagkatapos kong kumain, tanghali kase noon, nilapitan ko siya at dahil sa sobrang galit ay ginupit gupit ko yung uniform niya at pati ang kanyang buhok. Nagawa ko iyon dahil sa inis. Pag-uwi ko ng bahay ay pinagalitan ako ni mama at papa at bilang parusa, itinali ako sa punong kawayan buong magdamag. 
     Hindi ko talaga makakalimutan iyon. 

8 komento:

  1. ganda ng kwento....may aral at nakapagshare ka ng iyong nakaraan....un lng... :)) ty

    TumugonBurahin
  2. Marami ang nagagandahan sa ginawa mo Joanne. Sana lahat ng gagawin mo pa sa susunod ay mga ganito ok. Very Good!!!

    TumugonBurahin
  3. un pla ung history ng kawayan about sa experience mo .. nice :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha..nxt kc wag mo idamay ung buhok ..,ung uniform lang...joke^_^

      Burahin
  4. in fairness, ang gagaling nyo nang gumawa ng sanaysay.

    TumugonBurahin
  5. tlaga sir the one silang lhat ......wala aq tlaga masabi hehehehe

    TumugonBurahin
  6. ganun talaga sir pag ikaw ang guro..hehehe

    TumugonBurahin