Huwebes, Agosto 16, 2012
Martes, Agosto 14, 2012
Huwebes, Agosto 9, 2012
Onlayn Aktiviti
1. Saan unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas?
2. Ano ang pangalan ng aso ni Jose Rizal? haha!!! seryoso, sagutan nyo ok.
Miyerkules, Agosto 8, 2012
Linggo, Agosto 5, 2012
Huwebes, Hulyo 26, 2012
Biyernes, Hulyo 20, 2012
GAWAING ONLINE ALL THE WAY FROM MOA.Hehe
PANUTO: MAGPOST NG ISA LAMANG NA PINAKAMAHABANG SALITA SA FILIPINO NA WALANG PANLAPI. TAKE NOTE: WALANG PANLAPI ISA LAMANG. MAG-ISIP-ISIP. READY ONE TWO THREE GO!!!!
(SARAP TALAGA SA MOA GUMALA.
(SARAP TALAGA SA MOA GUMALA.
Miyerkules, Hulyo 18, 2012
GAWAING ONLAYN
1. SINO SI HUSENG BATUTE?
2. SINO SI HUSENG SISIW?
ISULAT ANG SAGOT SA KOMENTO AT IPOST. KUNG MAY NAGPOST NA NG KATULAD NA SAGOT, MAGKOMENTO NA LANG NG "SAYANG" O KUNG ANUMANG KOMENTO. HEHE
- SIR HERNAN

Lunes, Hulyo 16, 2012
LANGIT, LUPA, KAILAN MAGTUTUGMA? ni JC Ariola
Karangyaan ay langit, kahirapan ay lupa
Tinitingalang langit, tinatangging lupa
Pangarap ng lupa mahagkan ay langit
Langit at lupa, kailang magtutugma?
Kayamanang taglay, ba't ayaw ipamigay?
Ibahagi man lang sa natutuyong buhay
Ba't ayaw tulungan, iyong inapakan?
Nais kong buhay, hindi ko makamtan
Ika na langit, iyong pagmasdan
Ang iyong lupang dinudusta mo lang
Sana'y makita kahirapang taglay
At iyong matulungang magkakulay ang buhay
At upang masabi sa wakas
Na langit at lupa, maaaring magtugma.
-JC

MALAS NA KARANASAN SA ARAW NG KAARAWAN ni Robelyn Hilado
Maraming selebrasyon ang dumating sa aking buhay. Subalit isa sa mga ito ang hidi ko makakalimutan. Ang aking kaarawan noong Abril 01, 2012, maglalabing limang taon.
Masayang-masaya ako ng araw na iyon. Ipinaghanda ako ng aking mga magulang ng pansit at sopas. Isa pa sa ikinasaya ko ay ang pagdating ng aking mga kaklase sa aming tahanan. May usapan kaming magswimming. Noong una ay ayaw akong payagan ng aking ina na sumama sapagkat natatakot na baka malunod ako. Bandang tanghali, dumating si papa at salamat naman at pinayagan akong sumama sa aking mga kaibigan.
Kumain muna kami bago umalis. Mag-aala-una na ng umalis kami sa bahay. Pumunta kami sa Metrogate sapagkat doon namin gustong lumangoy, doon sa may club house. Subalit pagpunta namin doon ay maraming tao ang nagdarasal. Di ko naalalang mahal na araw nga pala. Dahil sa nahiya kami, umalis kami at pumunta ng Regency upang doon ituloy ang aming balak, subalit ganoon din.
Naisipan na lamang namin na tumuloy sa Biga sapagkat inisip naming sayang lang ang pamasahe namin. Pumunta na lang kami sa isang kaklase namin. May mga resort doon kaya lang din naman namin kaya ang presyo. Nagyaya ang isa naming kaklase na doon na lang sa ilog.
Sa bandang huli ay sa ilog na lang kami lumangoy. Bumababa kami sa ilog. Pagdaing namin, nanginginig ang buo kong katawan. Dalawa kaming ayaw maligo sapagkat di kami marunong lumangoy. Subalit sa bandang huli ay kaming dalawa pa rin ang unang naligo sa ilog. Dahil sa pagmamadali, hindi namin akalain na lagpas tao ang tubig kaya ng lumubog kami ay pareho kaming nalunod. Ilang minuto bago kami sinagip. Matapos ang pangyayaring iyon, di na ako pumunta ng tubig.
Dahil sa nangyari, nagkasunud-sunod na ang malas ko sa maghapon. Nasira ang tsinelas ko, at halos wala ng magamit pauwi.
Napagalitan pa ako dahil madilim na akong nakauwi sa bahay sapagkat nangako akong hindi gagabihin.
Ganoon pa man ang nangyari, naging masaya naman ako sa piling ng aking mga kaklase.

REMATCH DAW ni Danielle May Montes
Maraming Pilipino at kahit mga propesyunal na galing sa ibang bansa ay salungat sa desisyon ng dalawang hurado sa laban nina Pacquiao at Bradley. Sa labang ito si Bradley ang pinanigan ng hurado at dahil dito naagaw niya ang titulo ni Manny.
Sa una pa lamang ay mahihinuha na na mas maayos ang paglaban ni Pacquiao at ilang beses din niyang natamaan ng malalakas na suntok si Bradley. May mga pagkakataon na napapayakap na si Bradley kay Pacquiao dahil sa mga suntok na ibinabato sa kanya. Napapaatras na rin si Bradley at napapadikit sa sulok ng boxing ring dahil sa sunud-sunod na suntok ni Manny. Ngunit dahil sa split decision at lumabas na si Bradley ang panalo, nagulat dito ang buong mundo. Marami ding nagbigay ng komento ukol dito na dapat si Pacquiao ang nanalo.
Dahil dito, humihingi ng rematch ang mga tao para kay Pacquiao. Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin nakalimutan ng ating pambansang kamao na magpasamat sa Diyos kaya siya pa rin ang tunay na panalo sa paningin ng tao.

SPLIT DECISION? ni Nikko John Rafales
Nagulantang ang buong mundo sa pagkatalo ng pound-for pound king Manny Pacquiao pagkatapos makasagupa ang boksingerong Amerikano na si Timothy Bradley Jr.
Maraming tao ang nanood sa laban na ito sa iba't ibang parte ng mundo at umaasa sa pagkapanalo ni Pacquiao. Pagkatapos ng huling round, nanalo si Bradley via split decision. Marami ang gustong mapaimbestigahan ang laban na ito kahit malabo nang mabawi ng pambansang kamao ang title belt. Higit na marami ang naniniwala na nanalo pa rin si Pacquiao.
Hindi karapat-dapat na mapunta ang title belt kay Bradley dahil hindi patas ang pagbibigay ng puntos ng mga hurado sa laban na ito. Kaya lamang ibibigay ang isang rematch ay dahil hindi na maisasauli talaga ang title belt kay Pacquiao.
Ganunpaman, kahit talo si Pacquiao, panalo pa rin siya sa puso ng mga Pilipino.

SA PUNONG KAWAYAN ni Joanne Marie Laudato
Dito mismo sa kawayanang ito. |
Marami akong karanasan sa punong kawayan. Marahil ito na ang hindi ko makakalimutan. Noong nasa kinder pa lang ako, meron ng punong kawayan sa likod ng bahay namin. Ang bahay namin noon ay kubo lamang kaya mapatanghali man at tag-init ay napakalamig at presko sa lugar na kintatayuan ng bahay namin.
Noon ay nagkakatakutan pa kaming magkakapatid kapag lumalabas ng gabi. Lalo na akong natatakot kapag nagkuwento na yung lola ko tungkol sa kawayan namin. Ang sabi ng lola ko ay maraming kababalaghan ang nangyari sa puno ng kawayan na iyon.
Noong grade 3 ay nagkaroon ako ng mga klase na mahilig mambully. Isa na ako doon sa mga binubuli nila. Noon ay lagi akong nasasaktan kapag hindi ko sinusunod ang ipinag-uutos nila. Nakakaranas ako ng kurot, sabunot at sampal sa tuwing hindi ko sila sinusunod. Sa sobrang galit ko noon at grabe na akong nasasaktan ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makaganti.
Habang natutulog siya pagkatapos kong kumain, tanghali kase noon, nilapitan ko siya at dahil sa sobrang galit ay ginupit gupit ko yung uniform niya at pati ang kanyang buhok. Nagawa ko iyon dahil sa inis. Pag-uwi ko ng bahay ay pinagalitan ako ni mama at papa at bilang parusa, itinali ako sa punong kawayan buong magdamag.
Hindi ko talaga makakalimutan iyon.
Miyerkules, Hulyo 11, 2012
BARKADAHANG IV-MARS
Para sa ulo ng mga balita!
IV-Mars, may blogsite na
Ang ulat mula kay JC Arreola
Tama mga kapatid
May blogsite na nga tayo na kung saan ay maaari na nating mabasa ang mga ginawa nating awtput sa Filipino. Maaari din nating makita ang mga larawang kinuha mula sa ating pagpupunyagi sa mga gawaing ibinigay ng ating buitihing guro.
Para sa nagbabagang balita, JC Arreola
Salamat JC
Opo, mga mag-aaral ng IV-Mars
Ito ang site na mas makakatulong sa atin upang maitama natin ang ating mga pagkakamali, mapaunlad ang gawain at maging magaling sa mga gawain. Sa pamamagitan ng pagbasa ng mga blogpost na ilalagay ko ay matututo kayo sa kung ang paano at ano ang dapat.
Lubos na gumagalang,
G. Hernane B. Buella

Magkamukha ano! |
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)